jump to navigation

Kamote Trip sa Singapore Abril 9, 2007

Posted by Dakilang Pasaway in Kamote Adventure.
trackback

Wala ako magawa ngayun, Naisip ko i-share sa inyo ang panibago kong adventure.

Merlion

Alam nyo ba na pupunta ako sa Singapore. Huy mga chong, nde ako mayaman. Ito’y isang pagkakataon lamang. Gusto ko lang sabihin sa inyo ang mga bagay na nalaman ko at kinakatakutan ko.

Samahan nyo ko sa aking paglalakbay.

First time ako pupunta sa bansang Singapore, kya naman natatakot ako. Dahil bukod sa first time, first Time ko din mag-travel mag-isa. Nyahahah ayus ba ang trip ko sa buhay. Maiba nman dba ahahaha.

Kinakabahan tlaga ako kasi bka maligaw ako. Dito nga sa Pinas ay pde talaga akong bigyan ng kamote award. Hindi ako marunong tumawid at naliligaw pag nag ko-commute. Natatakot ako sa mga paikut-ikot na daan na nilulusutan at pinapasukan nang mga jeep. Hinde ako mayaman inuulit ko. Sadyang Tangga lang talaga ako sa daan. Nag-aral kasi ako na tricyle lang ang gamit ko para ko makapunta sa iskwelahan. Nung tumanda naman ako isang jeep lang ang sakay ko nandun na ko. walang kahirap hirap diba?.

Chaka ko na sa inyo ikukwento ang mga iba ko pang kamote adventure. Sa ngayun, pag-usap muna natin ang kakaiba kong trip.

Singapore

Singapore is an island-state in Southeast Asia. Founded as a British trading Colony in 1819, Since independence it has become one of the world’s most properous contries, sporting the world’s bussiest port. Combining the skyscrapers and subways of a modern, affluent city with a medley of Chinese, Indian and Malay influences and a lush tropical climate, with tasty food, good shopping and a happening, vibrant nightlife scene, this Garden City makes a great stop over or springboard into the region. (sana lang bayaran ako ng Singapore).

Naintindihan nyo ba? ang haba eh.. ehehehe Basta base sa sinasabi nya eh talagang mukhang maganda ang Singapore. Sa mga kwento na narinig ko malinis daw talaga dito.

Sa pag-punta pa lang ng aiport kinakabahan na ako. Maniniwala ba kayo na dun pa lang ako maghahanap ng hotel. Galing ko noh. Tapang ko ba?. Naniniwala ako na madadagdagan na naman ng masayang experience ang kamote trip na ito.

Sa mga katulad ko. Sana makatulong sa inyo ang mga impormasyon na mababasa nyo dito.

  1. Alam nyo ba na hindi na pala uso ngayun ang plane ticket na kagaya dati na may ilang pages. Isang papel na pala ngayun or print out na galing sa ticketing office ang ibibigay sa’yo para ipakita sa airport. Sabi nila sa airport na raw ibibigay yung ticket. 3 hrs before the flight dapat nsa airport ka na. Ang tagal para sa kagaya kong mag isa lang mag bibiyahe. – haaaaaaaaaay
  2. Mga 3 hrs and 15 mins ang biyahe papunta. Parang isang traffic lang sa Edsa pag rush hour ang layo. Ganto rin halos ang pag punta sa Cebu. Pag punta sa Baywalk pag galing ka ng Quezon City pag traffic o higit pa nga. Para ka lang nag yosi break (ng ilang stick ha eheheh).
  3. Ang taxi sa kanila ay may dagdag na 50% surcharge pag gabi. Sana naman wag gayahin dito sa Pinas yan. Pero ang SG$10 ay malayo na raw ang mapupuntahan mo nun. Nagbibigay ng sukli ang mga driver dito hanggang sa pinaka last cents. Wag ng mag tip dahil hindi ito uso sa kanila. Isipin mo na SG $32 = Php 1. Mag isip isip bago mag tip. Sa mga may pera goodluck sa inyo.
  4. Bus – ang kabilin-bilinan sakin ay wag pumara kung saan saan, dahil meron silang mga bus stop at strikto sila sa pag-sunod at pag papatupad ng batas. Dahil hindi ako marunong tumawid malamang mag hahanap ako ng bus stop. Wag nang magdala ng bubble gum sa kagaya kong mag isa mag biyahe hindi nman siguro masama na sundin ang mga bilin. Singapore’s Squeaky cleanliness is achieve in part by strict rules against activities that are tolerated in other countries. For example: Jay-walking, spitting, littering and drinking and eating on public transport are prohibited. Chewing Gum, famously long banned, is now available at pharmacies if you ask for it directly, show your ID and sign the register (Importing it is, theoretically, still an offence though)
  5. Meron silang Ez-link na tinatawag, ito ay ang pangkaraniwang ginagamit sa pag bayad ng MRT (na meron din sila), sa bus at sa ibang vending machines. Para syang card na ginagamit natin sa MRT kaso medyo sosyal na version. Hindi nabubura ang picture na kagaya ng satin na mahihirapan kang hanapin kung anu ba ang dapat na portion na ipapasok kapag nagagalti na sayo yung nasa likuran mo dahil nahihirapan kang mag-isip anu nga ba ang tamang direction para maipasok ang card sa tamang pwesto.
  6. Kagaya ng ibang bansa, meron din ditong lugar na makikita ang maraming pinoy. Sa lucky plaza sa Orchard rd. Wag nyo na tanungin kung saan yun dahil baka hindi ko rin mapuntahan dahil baka mawala ako. Swerte ko lang if mapuntahan ko yang lugar na yan. Meron din ditong mga tiangge!! ahahah sa kagaya kong wlang pera masarap isipin na makakabili ka ng murang damit kung sakaling nde ko kaya magpalaba pag dating dun.
  7. Magdala ngmaraming supply ng Tissue. Tama ang narinig nyo, hindi raw uso sa kanila ang tissue. Meron man, may bayad nga lang. Kung ikaw daw ay kakain sa mga kainan tulad ng foodcourt at mga medyo highier level ng carinderia, wag kang umasa na bibigyan ka ng tissue, unless kakain ka sa talagang mamahaling restaurant. Para makaiwas at makatipid mag dala na lang kayo. Karamihan daw ng kanilang pag kain ay medyo maanghang. Mag inggat sa kakapili tignan muna ang picture bka magulat ka pagdating ng inorder mo.
  8. Language : Mandarin Chinese and Tamil. Various dialects (Hokkien) and other Indian languages are also spoken. Meron din namang nag Eenglish, mag baon ng maraming ingles para may paraan kang makipag usap sa ibang tao. Kung wla ka talagang mahanap na baon, maghanap ng kapwa Pilipino – ahahahah!
  9. Banned in Singapore: (theres more to the list than just porn and drugs) Overhead wires, Sattelite Dishes, Standing water, Freestanding billboards, Malaysian newspapers, Feeding pigeons, Oral sex (except as foreplay) – yikes!
  10. Dito binitay si Flor Contemplation!!. Ang famous line na ” I did not kill anybody!!” — wag pasaway!! nde uso dito ang ” Boss, bka namn pde P100″ na palusot! nyahahahaha

Sabi nga ng famous na motto ” Bahala na si Batman”.

Hayaan nyo, pagdating ko ikukwento ko sa inyo ang mga bagay na nalaman ko. Ang mga kakaibang bagay at mga ka-kamotehang pinaggagawa ko.

Sana lang meron trabaho na papagbiyahihin ka lang tapus papakwento sa’yo anung klaseng lugar yun, para nman dumami pa ang mga maikwento ko sa inyo.

Hanggang sa muli!!!

Mga Puna»

1. rg - Agosto 2, 2008

hello :)

mukhang na-enjoy mo ang singapore ah! :)

hmm, magtatanong lang sana ako kung may nakita kang kakaibang ways of life nila? (tulad ng pagpapakasal, paglilibing, pagcecelebrate ng birthday..)

salamat :)

2. Dakilang Pasaway - Agosto 2, 2008

kapatid..
nde ko po nachek yun kasi ilang araw lang po ako dun. pero wierdo ng konti kasi lam mo yung mag cars dun, mahirap magka kotse ang mga karaniwang tao na tulad ko.. dahil ang may kotse dun, mayayaman lang, i think every 10 years ata nde na pde kotse mo… kukunin na uli ng govt nila.. may taning mag kotse dun.. di kagaya dito sa pinas kahit kotse ng lolo mo pde mo pang gamitin.. then need mo ng malaking cash para sa car maintenence mo.. bawal kasi pag mausok n yung kotse eh.. so far yan plang natatandaan ko sa mga kakaibang lugar na yun..

kung nakakakain ka ng putchero na ulam satin.. meron din dun kaso may alamang.. oha panalo!!

hmmm nde sila basta bsta namimigay ng tissue ahahaha… kahit na karinderia dito satin e may tissue e pag pumunta k dun wag ka umasa eheheh

pag may update lagay ko ulit dito =P