SMART KID Abril 30, 2007
Posted by Dakilang Pasaway in Joke tYm.1 comment so far
Basahin nyo !!! ehehehehe
A first-grade teacher, Ms Neelam (Age 28) was having
trouble with one of her students the teacher asked,
"Boy. what is your problem?"
Boy. answered, "I'm too smart for the first-grade.My
sister is in the third-grade and I'm smarter than she is!
I think I should be in the third-grade too!"
Ms Neelam had enough.
She took Boy to the principal's office. While Boy waited in the outer office, the teacher explained to the principal what the situation was.The principal told Ms Neelam he would give the boy a test and if he failed to answer any of his questions he was to go back to the first-grade and behave. She agreed. Boy was brought in and the conditions were explained to him and he agreed to take the test.
Principal: "What is 3 x 3?"
Boy.: "9".
Principal: "What is 6 x 6?"
Boy.: "36".
And so it went with every question the principal thought a third-grade should know. The principal looks at Ms Neelam and tells her, "I think Boy can go to the
third-grade."
Read More.. Smart Kid
Beep Beep !!! Sakay Na!! Abril 29, 2007
Posted by Dakilang Pasaway in Mahiwagang Kamote, NoyPi, Pinoy 101.add a comment
HAy Sobra!! Pag naiinip ako at ako lang mag-isa madaming bagay ang naglalaro saking isipan. Nde naman ako bastos. nde yung iniisip nyo. Pero ang pinaka the best ay mga eksena na kahit minsan ako lang mag isa ay natatawa ako, ang bagay na yun ay ang EKSENA sa JEEP!!! nakaranas ka na ba ng ibat ibang kwento ng dahil sa pagsakay lang sa ating pambansang transpo?
Ang pinaka nakakatawang eksena sa jeep na talaga nmang nakakapagpatawa sakin ay yung:
PAG MAY NATUTULOG SA JEEP.
ahahaha!! panalo talaga ang kwentong toh. Sari saring kwento, pero ROCK!!
Situation#1. Pag ang nasa tabi mo ay tulog. Tapus babagsak na yung ulo. Nyahahaha pag ikaw ay katabi ng taong tulog sa Jeep pati ikaw napapagalaw pag sa direksyon mo babagsak ang ulo ng katabi. Inaantay mo at pinapakiramdamang wag ka sana mabagsakan. Eehehehehe minsan nakakainis. minsan nakakatawa. minsan parang ikaw ang pinakamalas na tao. Sa dinami dami ng jeep bat ka pa dun nakapara.
Situation#2 Pag ang nasa harapan mo ay tulog. Siguradong yung iwas style mo ay makikita mo na ginagawa ng nasa harapan mo!
Situation#3 Pag may tumawa. Alam mo ba yung akala mo ikaw lang ang natatawa, tapus nagpipigil lang pala yung mga taong katabi mo na nde matawa dahil baka magising yung taong tulog! nyahaha “sana lang po wag nyo ko ngitian kasi mahirap para sakin pumigil ng tawa!”. Minsan nga pinipigil ko na yung sarili ko na wag tumawa tapos napatingin ako dun sa nasa harap ko, tapus ba nman tumawa!
ahihihi! ayun nde ko napigilan ang aking sarili na matawa. Nanginginig na yung balikat ko sa pag pigil, pero ayun kasalanan ko nailabas ko yung tawa ko. Habang yung katabi ko pala ay nag iintay din na may unang tumawa. napansin namin nung oras na yun na nagtatawanan na pala kaming lahat of cors maliban dun sa natutulog.
Situation#3. Habang nagtatawanan kayo, e nagising yung taong pinagtatawanan nyo! nyahahah patay tayu dyan. Napaptingin kayo sa bintana at nagcoconcentrate na wag tumawa. Mapapansin mo lahat ng kasama mo ay nagdededma din na parang walang nanyari. Tapus pag baba ng pinagtatawanan nyo ay pag uusapan nyo at may mag rere-enact kung panu babagsak at pag iwas nung katabi nya! the best yan kasi parang ayaw nyo pang bumaba ng jeep at parang naaliw na kayo sa isa’t isang makipag kwentuhan sa mga tao sa oras na yun.
PAG MAY BANGAAN
Situation #1. Pag kayo ay nasa tamang oras at tamang lugar na naka saksi ng bangaan! SWERTE KA!! ikaw ang bida pag isa ka sa nakasaksi ng panyayari. Hanggang magtatanung na ang mga katabi mo sa nanyari! At magsisimulang magbibigay na ng mga opinion ang mga katabi mo sa pangyayari at maninisi.
“yung kotse talaga may kasalanan eh”
“Pambihirang jeep yan, dapat kasi pinadaan na nya yung isa eh!”
Read more.. Beep Beep !!! Sakay Na!!
Bakit ba Mainit? Abril 27, 2007
Posted by Dakilang Pasaway in Mahiwagang Kamote, Pinoy 101.add a comment
“hay nako ilang galon n ata ang naubos kong tubig nakakauhaw pa din!” Bakit ba sobrang init?
“Ano ba ang nanyayari? lintik naman na init to eh!”
Kahit maligo ka ng 3 beses grabee init!
Naaalala ko nung nsa gradeskul pa ako pinoproblema na natin yang pag dating ng init na yan. Naaalala nyo rin ba? diba gagawa ng parang earth kukulayan mo pa, tapus masyadong mapupudpod na yung krayola, tapus sasabihin mo sa poster mo na yun na nabubutas na yung ozone layer natin. Iinit ng sobra hanggang nde natin makayanan dahil sa kapabayaan natin! Bawal ang spraynet. Ang mga pollution. At kung anu ano pa.. ganun b lang yun? walang nanyari!!
Ayun nasunog nga ang Ozone! Kya siguro mainit.
Totoo nga!
Tingin ko lang!! Abril 26, 2007
Posted by Dakilang Pasaway in Kamote Adventure, Pinoy 101.add a comment
“Wow maypart 2 ahahaha!”
Pasenxa na kayo dinamdam ko talaga yung nanyari sa airport! nyahahaa joke. Tinamad kasi ako mag isip kung ano magandang ilagay dito eh.. parang nalungkot ako sa nakit ako.
Sa isang maliit na bansa, hindi mo maiialis sakin na magtanung kung bakit KAYA nila gawin tapus tayu na marami ang nakapag aral at nakatungtong sa elementarya, na tingin sa sarili at may agimat ang dugo (nyahaha) ay hindi natin kayang gumawa ng bagay para makatulong sa bansa natin, kahit man lang sa maliit n paraan.
Sa napaka simpleng gawain na wag magtapon ng basura (dito!) nde natin magawa. bawal umihi dito. bawal pumitas ng bulaklak (ahahah meron p bang ganyan?) at ang wlang kamatayang bawal tumawid. nako wlang patawad ang mga pinoy. Sa EDSA nung una kong nakita yang Bawal na salitang yan ay natawa ako kasi naman pag basa mo parang mamatay ka na agad eh. ” BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY” tipong pag humakbang ka mamatay ka na agad ehehe, pero bakit wala pa ring sumusunod? at marami paring insidente na nasasagasaan sa kalye. Sa dinami dami ng mga pinagkagastusang mga street sign, mga kinurakot na mga bakal at sa mga pinasweldo sa mga taong pinangkabit sa mga yan. ayun nasayang lang, tapus pag nahuli hahanap at hahanap ng mga palusot.
Sa simpleng traffic light, yang ang pinaka magandang halimbawa. bakit kelangan ng pulis kung tayu ay marunong sumunod dyan?
Sa tingin ko, ( ito’y opinion lang nman ng isang kamoteng tulad ko) kung ang mga pinoy ay matututong sumunod sa mga traffic lights:
1) siguradong nde na kelangan ng mga pulis na nagbabantay sa mga kalsada. Mas marami pang pedeng gawin ng pulis, maari na silang mang huli ng masasamang tao o magbantay ng seguridad ng mga mamamayan kesa sa naka tambay mag hapon sa kanilang istasyon. At mangotong!! at mag imbento ng kung anu anong violation ahahaha!
2) Mabilis ang traffic dahil wlang tatawid tawid dahil siguradong yung mga tao sa pedestrian ay nde na tatawid basta basta. Magkano ang pintura na ginastos dyan para maging proyekto ng isang Congressman, Mayor o Brgy. Captain sa lugar nyo, na wlang ibang maisip kundi mag lagay ng pedestrian lane na hindi nman ginagamit ng mga tao? hmm milyong project na sana ay nagamit sa ibang matinong project.
3) Kung sakaling maayus na tayo sa pagsunod sa mga traffic lights ay iiwasan na mag-istasyon ng pulis sa kada kanto para mangotong. hmmm maganda yun! yang ang isa sa mga dahilan bakit sila nakakaisip mangotong, dahil sa maghapong nakatunganga at nakakakita ng mga pasaway na hindi sumusunod sa batas. Nakikita nila na ayaw nating mag-paabala basta basta kya kunwari ay titiketan ka nila para magbigay ka ng kotong. Kya ang magandang pang iinis n naisip nila at ABALAHIN tayu!
4) Hindi na magpapatayo ng mga overpass na sobrang weird sa layo ng main na daanan ng tao. Panibagong proyekto na nman ni Mayor o Congressman. SOWS!
5) Mababawasan na ang pagpapalagay ng mga traffic lights sa mga lugar na halos kada isang kanto ay may traffic light. wow galing mo mayor!! tapus after ilang taon ay aayusin ang panobagong route na nde na gagamitin uli ang mamahaling traffic light!
6) Magiging maayus ang daloy ng taffic para sa mga motorista. Maiiwasan ang mga away sa kalsada na isa paring paraan para makadagdag sa traffic. Isipin mo ang isang sasakyan na magkabanggaan sa isang lane sa EDSA siguradong traffic yun! at kung ikaw ay naka taxi o naka bus patay ka sa metro ngtaxi siguradong may dagdag pa at sa bus siguradong kelangan mo na magpadeliver ng pagkain dahil tatagal yan!
7) Magiging interesado ang mga pinoy sa salitang pag hintay. Hinde lang nila lam ganu kadali ang maghintay ng signal para tumawid kesa ang mahagip ng malaking sasakyan. Masakit ata ang maoperahan ng dahil sa nasagasaaan ka. mas maraming buhay ang maliligtas. Ang hospital bill hala!! goodluck!
8) Mababawasan ang pag iisip ng mga pulitiko na mag isip ng mga project sa katulad ng mga nasabi kanina para lang may masabi na may nailagay silang proyekto. wow puno na naman ang bulsa ng mga pulitiko!
9) Mas maganda kung lahat tayu ay may konting ipagmamalaki sa ibang bansa kahit man lang sa pagsunod pag dating sa traffic flow! . Ang alam lang nila lasi sa pinas ay may pinaka malubha ang traffic.
10) Marami pang iba kaso inaantok na ko eh para mapag patuloy ko pa ito ehehehe =P
Kamote’s back Abril 24, 2007
Posted by Dakilang Pasaway in Gising Pinoy, Kamote Adventure, Pinoy 101.1 comment so far
“Hay nako , buti nman at nakauwi rin ako sa inggay at usok !”.
Masasabi ko lang bakit kaya KAYA nila tayu hinde.
Hmm maganda pala talaga pag disiplinado ang mga tao.
Dito palang ako sa airport natin, medyo nakakainis na. Sigurado ako hinde lang ako ang naka-experience ng mga gantong mga bagay bagay. Alam nyo ba yung metal detector? hmm dahil nga ako ay may pagkamote, nakalimutan ko yung aking napakagandang cellphone na kahit magnanakaw at hindi kukunin at baka maawa pa.
Ang nanyari tumunog! huwaw alert sila. Pinabalik ako para pumasok ulit. Ang nakakagulat dun ay pinalagay yung cellphone ko sa xray at nung nagtatanung ako kung baka naman meron silang lalagyan dahil baka masira yung cellphone ko. Kahit naman ganun yun, aba nakakapagtext parin yun ha.
“Ikaw, pang ilang beses mo na pumasok?! ” sabi nung babae na nag iinspection na nakatayo. Syempre sinabi ko “2nd time palang ho dahil nga may tumunog!”. Padabog nyan hinila yung cellphone ko at nilagay na sa xray. Wala na akong magawa kundi maghintay sa kabilang dulo at kamustahin ang nanyari sa cellphone ko. Medyo 5mins na kong naghihintay ng napansin ko na nalaglag na pala sa ilalim yung phone ko. Oo sa ilalim nung machine, Haaay nalaglag sya dahil nga wlang lagayan man lang, etu yung metal detector dun sa unang pagpasok mo pa lang ng pinto. Kaawa-awang cellphone. Sana lang ay umabot sya sa pagbalik namin dito sa pinas.
Dahil nga excited ako, hindi nako masyadung nagreklamo. Naisip ko na lang ako aalis at sya ay nandito padin mag susungit ng magsusungit hangang pagbalik ko.
Alam nyo ba, na maliit lang pala talaga ang bansang Singapore? hmm mga buong Quezon City lang halos or mas malaki pa ang “kyusi”. Pero bakit ang mga pinoy doon ay marunong at alam ang salitang DISIPLINA!.
Bakit kaya yung mga dito sa pinas ay para atang nakalimutan na ang salitang yun. Anu kaya ang problema?
Nakakatuwang isipin dahil kahit na maliit lang ang bansang Singapore ay sumusunod ang mga tao nila dito. Naiintindihan nila ang salitang DISIPLINA.
Aba, pag dating ko pa lang sa Airport, halos parang kawawalis lang at kakalinis lang nila. Walang basura sa paligid. Akalain mo yun?, sa napakasimpleng bagay natutuwa nako. Hindi lang kasi siguro ako sanay ng maayus at malinis na paligid (lalo na yung pampubliko). Walang panghi kang maamoy at mga kalat sa paligid.
Masaya namn sa tingin ko ang nakita ko dun, kahit na nakakalungkot isipin na ang DISIPLINA pala ay nababago pag nsa ibang bansa ang pinoy at natutununan nilang magpakumbaba. Sana lang gawin muna natin dito. Simulan natin dito bago tayu lumayo.
Nakakawalang gana, sa susunod na lang ako magkukwento anu ang mga pinaggagawa ko.
Kamote Trip sa Singapore Abril 9, 2007
Posted by Dakilang Pasaway in Kamote Adventure.2 comments
Wala ako magawa ngayun, Naisip ko i-share sa inyo ang panibago kong adventure.
Alam nyo ba na pupunta ako sa Singapore. Huy mga chong, nde ako mayaman. Ito’y isang pagkakataon lamang. Gusto ko lang sabihin sa inyo ang mga bagay na nalaman ko at kinakatakutan ko.
Samahan nyo ko sa aking paglalakbay.
First time ako pupunta sa bansang Singapore, kya naman natatakot ako. Dahil bukod sa first time, first Time ko din mag-travel mag-isa. Nyahahah ayus ba ang trip ko sa buhay. Maiba nman dba ahahaha.
Kinakabahan tlaga ako kasi bka maligaw ako. Dito nga sa Pinas ay pde talaga akong bigyan ng kamote award. Hindi ako marunong tumawid at naliligaw pag nag ko-commute. Natatakot ako sa mga paikut-ikot na daan na nilulusutan at pinapasukan nang mga jeep. Hinde ako mayaman inuulit ko. Sadyang Tangga lang talaga ako sa daan. Nag-aral kasi ako na tricyle lang ang gamit ko para ko makapunta sa iskwelahan. Nung tumanda naman ako isang jeep lang ang sakay ko nandun na ko. walang kahirap hirap diba?.
Chaka ko na sa inyo ikukwento ang mga iba ko pang kamote adventure. Sa ngayun, pag-usap muna natin ang kakaiba kong trip.
Singapore is an island-state in Southeast Asia. Founded as a British trading Colony in 1819, Since independence it has become one of the world’s most properous contries, sporting the world’s bussiest port. Combining the skyscrapers and subways of a modern, affluent city with a medley of Chinese, Indian and Malay influences and a lush tropical climate, with tasty food, good shopping and a happening, vibrant nightlife scene, this Garden City makes a great stop over or springboard into the region. (sana lang bayaran ako ng Singapore).
Naintindihan nyo ba? ang haba eh.. ehehehe Basta base sa sinasabi nya eh talagang mukhang maganda ang Singapore. Sa mga kwento na narinig ko malinis daw talaga dito.
Sa pag-punta pa lang ng aiport kinakabahan na ako. Maniniwala ba kayo na dun pa lang ako maghahanap ng hotel. Galing ko noh. Tapang ko ba?. Naniniwala ako na madadagdagan na naman ng masayang experience ang kamote trip na ito.
Sa mga katulad ko. Sana makatulong sa inyo ang mga impormasyon na mababasa nyo dito.
- Alam nyo ba na hindi na pala uso ngayun ang plane ticket na kagaya dati na may ilang pages. Isang papel na pala ngayun or print out na galing sa ticketing office ang ibibigay sa’yo para ipakita sa airport. Sabi nila sa airport na raw ibibigay yung ticket. 3 hrs before the flight dapat nsa airport ka na. Ang tagal para sa kagaya kong mag isa lang mag bibiyahe. – haaaaaaaaaay
- Mga 3 hrs and 15 mins ang biyahe papunta. Parang isang traffic lang sa Edsa pag rush hour ang layo. Ganto rin halos ang pag punta sa Cebu. Pag punta sa Baywalk pag galing ka ng Quezon City pag traffic o higit pa nga. Para ka lang nag yosi break (ng ilang stick ha eheheh).
- Ang taxi sa kanila ay may dagdag na 50% surcharge pag gabi. Sana naman wag gayahin dito sa Pinas yan. Pero ang SG$10 ay malayo na raw ang mapupuntahan mo nun. Nagbibigay ng sukli ang mga driver dito hanggang sa pinaka last cents. Wag ng mag tip dahil hindi ito uso sa kanila. Isipin mo na SG $32 = Php 1. Mag isip isip bago mag tip. Sa mga may pera goodluck sa inyo.
- Bus – ang kabilin-bilinan sakin ay wag pumara kung saan saan, dahil meron silang mga bus stop at strikto sila sa pag-sunod at pag papatupad ng batas. Dahil hindi ako marunong tumawid malamang mag hahanap ako ng bus stop. Wag nang magdala ng bubble gum sa kagaya kong mag isa mag biyahe hindi nman siguro masama na sundin ang mga bilin. Singapore’s Squeaky cleanliness is achieve in part by strict rules against activities that are tolerated in other countries. For example: Jay-walking, spitting, littering and drinking and eating on public transport are prohibited. Chewing Gum, famously long banned, is now available at pharmacies if you ask for it directly, show your ID and sign the register (Importing it is, theoretically, still an offence though)
- Meron silang Ez-link na tinatawag, ito ay ang pangkaraniwang ginagamit sa pag bayad ng MRT (na meron din sila), sa bus at sa ibang vending machines. Para syang card na ginagamit natin sa MRT kaso medyo sosyal na version. Hindi nabubura ang picture na kagaya ng satin na mahihirapan kang hanapin kung anu ba ang dapat na portion na ipapasok kapag nagagalti na sayo yung nasa likuran mo dahil nahihirapan kang mag-isip anu nga ba ang tamang direction para maipasok ang card sa tamang pwesto.
- Kagaya ng ibang bansa, meron din ditong lugar na makikita ang maraming pinoy. Sa lucky plaza sa Orchard rd. Wag nyo na tanungin kung saan yun dahil baka hindi ko rin mapuntahan dahil baka mawala ako. Swerte ko lang if mapuntahan ko yang lugar na yan. Meron din ditong mga tiangge!! ahahah sa kagaya kong wlang pera masarap isipin na makakabili ka ng murang damit kung sakaling nde ko kaya magpalaba pag dating dun.
- Magdala ngmaraming supply ng Tissue. Tama ang narinig nyo, hindi raw uso sa kanila ang tissue. Meron man, may bayad nga lang. Kung ikaw daw ay kakain sa mga kainan tulad ng foodcourt at mga medyo highier level ng carinderia, wag kang umasa na bibigyan ka ng tissue, unless kakain ka sa talagang mamahaling restaurant. Para makaiwas at makatipid mag dala na lang kayo. Karamihan daw ng kanilang pag kain ay medyo maanghang. Mag inggat sa kakapili tignan muna ang picture bka magulat ka pagdating ng inorder mo.
- Language : Mandarin Chinese and Tamil. Various dialects (Hokkien) and other Indian languages are also spoken. Meron din namang nag Eenglish, mag baon ng maraming ingles para may paraan kang makipag usap sa ibang tao. Kung wla ka talagang mahanap na baon, maghanap ng kapwa Pilipino – ahahahah!
- Banned in Singapore: (theres more to the list than just porn and drugs) Overhead wires, Sattelite Dishes, Standing water, Freestanding billboards, Malaysian newspapers, Feeding pigeons, Oral sex (except as foreplay) – yikes!
- Dito binitay si Flor Contemplation!!. Ang famous line na ” I did not kill anybody!!” — wag pasaway!! nde uso dito ang ” Boss, bka namn pde P100″ na palusot! nyahahahaha
Sabi nga ng famous na motto ” Bahala na si Batman”.
Hayaan nyo, pagdating ko ikukwento ko sa inyo ang mga bagay na nalaman ko. Ang mga kakaibang bagay at mga ka-kamotehang pinaggagawa ko.
Sana lang meron trabaho na papagbiyahihin ka lang tapus papakwento sa’yo anung klaseng lugar yun, para nman dumami pa ang mga maikwento ko sa inyo.
Hanggang sa muli!!!
Ang buhay parang Sine… Ang Sine parang buhay Abril 8, 2007
Posted by Dakilang Pasaway in Pinoy 101.1 comment so far
Ang buhay parang Sine, minsan alam mo na agad ang susunod na manyayari sa mga tagpo ng buhay. Ang sine parang buhay, karamihan satin sa sobrang kapapanood ng mga ibat ibang mga pelikula, tele novela na umabot na nga sa Mexican novela, Chino novela, Korean novela at sangkatutak pang mga novela minsan hinde na natin naaapriciate ang novela natin ang mga tele-seryeng gawa dito satin.
Sa bagay sa mga tele serye na napanood ko. San ka nman makakakita ng kontrabidang hinde mamataymatay?.Nasunog, nalunod, nasabugan, nabaril at nabangga ang sinasakyan eh buhay p din? ahahah grabee talaga. Kaya siguro talagang nakikita natin kung bakit natutuwa sa nobela ng iba.
Napansin ko din, hindi rin naman masama ang matuwa sa mga novela ng mga iba, dahil sa simple intindihin ang kwento nila, hindi ganun ka kumplekado ang mga problema nila. Si Dao Ming Si (tama ba?) problema lang nya eh, mayaman sya at gusto nya si San chai. At gusto ni San Chai tumakbo sa kalsada habang sumisigaw ng pangalan ng “Dao Min Si”. Oh, wag mo sabihin hindi ka nabaliw sa mga character na yan. Kung nde ka bumili ng mga pirated Cds, malamang 2 beses mo pinanood yan o mas higit pa.
Sino pa ba ang mga talaga namang kinilala at minahal nang mga pinoy? Teka, subukan ko nga maglagay ng listahan na naalala ko.
- Marimar– Babaeng mahirap na may alagang asong nagsasalita. Partner nya si Sergio, yung parang may carpet sa dibdib. Lumabas din ang mga iba pa nyang tele novela.
- Betty La Fea – Panget na babae na na nainlove sa Boss nya, tapus nag make over, tapus gumanda sya, syempre na-inlove sa kanya yung Boss nya. Ibat ibang version na ang lumabas pati US ginawa na ding ” Ugly betty”.
- Chabbelita – Batang mataba, lumaki sa ampunan. Hindi ko masyadu matandaan ang kwento nito eh, basta alam ko na isang magaling na singer sa totoong buhay sya sa Opera. Charlotte yung pangalan nya, partner sya ni Josh Groban sa kantang “The prayer”.
- F4 (Flower 4) – Apat na mayayamang magkakabarkada na mga lalake na merong kanya kanyang part ang kwento ng buhay. Ang Meteor Garden na talaga namang kinabaliwan ng mga pinoy. Mga ilang beses pinagkakitaan at pinag ulit- ulit ipinalabas sa tv.
- Cholo at Jody -Stairway to heaven, sobrang pagmamahal nang dalawang tao hanggang kamatayan. Nabulag si Jody. Hindi masyadu matandaan eh ehehe. Pasenxa na!
- Jessie & Justin – Full House. Isa sa mga kinabaliwan ko. Isang actor (Justin) na nainlove sa pangkaraniwang babae (Jenny) na may ari nang bahay. Sobrang nakakatawa ang away at bati nila. Naalala nyo ba ang kantang ” 3 little Bears? “
- Jang Yeoung – (ganyan ba ahahah). Ulilang bata, inampon ng mag-asawa, naging taga-silbi ng Hari. Naging dakilang cook ng Hari, na nagkagusto kay Kapita. Ang cook na naging nurse at naging unang babaeng Doktor.
- Gokusen -Teacher ng section 3D. Section ng mga magugulo at mga patapon na studyante. Si Yang kumi, ang taga-pagmana ng susunod na generation ng isang malaking gang. Sya rin yung kilalang si Sadako sa Japanese Horror film.
- Jumong – prince sya. Sorry hindi ako masyadu nanonood ng mga laban eh. Peace Pare!!
- Attic Cat – nde ko rin napanood. Alam ko lang nag pakamatay yung bida dito in real life ha. hmm Rest in Peace!
Ikaw anu ba ang kinabaliwan mong tele novela?
Sa Mga katulad Ko Abril 7, 2007
Posted by Dakilang Pasaway in Advice.add a comment
mahirap tagalang maging pogi at maganda..
para sa mga iniwan,,
ang totoong lalake san man natin tignan babae parin ang hinahanap nila.. una ka man, pangalawa ka sa puso nila,, babae pa rin.. kya meron talagang natitirang lalake/babae para sa u .. nde mo lang napapansin busy ka kasi eh..
kung ikaw ay isang babae mag isip ka nman kahit konti.. pag lalake na rin ang gusto ng syota mo.. haleeeeeer mag isip ka na … may posibilidad na nagpapanggap lang syang lalake.. (hello rustom… ikaw b yan?) nde lang sya makalabas sa pinagkakatago nyang aparador…
sa mga nang iwan na proud na proud sa ginawa nyang pang iwan.. pakiramdam mo na porke ikaw ang nang iwan e mas nakalamang ka.. kala mo lang yun.. nde lang masabi ng syota mo na pagod n sya sayo.. ayaw nyang masaktan ang damdamin mo.. nde mo lang alam na tuwang tuwa din ang syota mo dahil sa wakas nakaramdam ka rin..
sa mga nagbabalak mang iiwan..
better think twice.. pray hard that our path wont cross in this life time… kung hinde kukutusan kita..
sa mga 2 ang syota.. 3.. kahit hanggang 4.. saludo ako sa u.. akalain mo sa panget mong yan nakahanap ka ng maloloko mo… ingatan mo ang mga niloloko mo dahil bka niloloko ka lang rin nila.. wag mong ubusin ang pasensya nila.. nde porke pinabayaan ka na niloloko mo sila e ok lang sa kanila… tao rin sila nasasaktan.. pero kinakaya lang dahil nagmamahal lang sila..
Natawa naman ako.. Naisip ko tuloy kung kaya kong sabihin yung: “Ingat,
tanga ka pa naman!”
Before, hinahabol kita pero di mo ako pinapansin.
Tapos isang araw nawala ako, hinanap mo ako at tinanong,
“Bakit ka nagsawa?” Ngumiti ako, “Hindi ako nagsawa. Natauhan lang. “
Pwede mo kong lokohin pero wag kang magpapahuli sakin.
Pwede mo kong palitan pero siguraduhin mong mas mahal mo cya sakin.
Pwede mo kong iwan pero siguraduhin mong kaya mo.
Kasi pag ako sobrang nasaktan, wala ka nang babalikan.
Ang Boys? Pag trip ka, magpapakilala. Kaibigan kuno hanggang pumorma na.
Tapos pag nahulog ka na, ayun, goodbye na dahil sawa na sila. Pero dapat
walang iiyak at smile lang tayo. Punyeta, anong silbi ng karma?
I fell in love and got hurt but I didn’t shed too much tears nor did
I ask him to love me again.
Instead, I stood up proudly and said, “Ganyan talaga ang magaganda!
Hindi bagay sa tanga!”
Simple lang para hindi ka masaktan. Kapag minahal ka, mahalin mo din.
Kapag ginago ka, gaguhin mo rin.
Pero kapag umiyak ka, tanga ka! Ginago ka na nga, iiyakan mo pa?
Pag iniwan ka ng mahal mo, wag mo siyang sisihin!
Kausapin mo siya ng harap-harapan at sabihin mong, “Ingat, tanga ka pa
naman!”
Masakit pag iniwan ka ng mahal mo. Pero wag kang magagalit ng husto.
Kahit papano may pinagsamahan naman kayo, diba?
Kaya for the last time yakapin mo siya at ibulong mo, “Gago, kukulamin
kita!”
Girls, talo daw sayo sa mga boys? Papayag kayo?
Sige, pag niligawan tayo, sagot agad. Pag iniwan tayo? Ok lang. Kapag
sinabi nilang, “Uy, ex ko.” Alam niyo sagot diyan? “Ay, ambisyoso.”
“If the one you love doesn’t love you back, don’t get depressed. Just
think about it for a while, maybe cry a bit then wipe your tears and say,
“Ang weird naman niya. Di siya pumapatol sa magaganda!”
You only got one life so live it well. one heart so take good care,
one soul so keep it pure. One boyfriend? What a waste!
Make it two or more! Sayang ganda natin!
Pag sinabi sayo ng mahal mo na ayaw na niya sayo, hayaan mo lang. Wag kang
iiyak at magpapakagago! Imbis na iyakan mo siya, ngitian mo lang at sabihin
mo ang ganito,
“So, pano? Bye na! Naghihintay na ang kapalit mo!”
Who cares about break-ups? Oo nga, masakit. Makirot sa puso. Pero tandaan
mo: a break-up isn’t only an end to a relationship.
It’s also a beginning of a new one and an end to a living hell called “ex”.v
Joke Time Muna Abril 7, 2007
Posted by Dakilang Pasaway in Joke tYm.4 comments
AMERICAN ENGLISH:
Eat All You Can,
don’t be shy,
feel at home!
IN TAGALOG:
kain lang kayo ng kain,
walanghiya kayo,
pakiramdam nyo bahay nyo to!
PEDRO: Anong pulutan nyo kahapon sa
birthday mo?
JUAN: Pata!
PEDRO: Wow! Anong klaseng pata?
JUAN; PATA galan ng kwento!
JINGGOY: Dad, bakit ba maalat at may
asin sa dagat?
ERAP: Sinadya yan ni Lord para sa
ganun hindi mapanis ang mga isda..
ADIK: Doc, grabe yung panaginip ko
gabi gabi,
kasi lagi daw ako nanunuod ng
basketball.
DOCTOR: sige halika may gamot ako para
dyan.
ADIK: Wag muna dok, championship game
na mamaya eh!
AMO: kelan lang tayo bumili ng
toothpick,
bakit naubos agad?
MAID: ewan ko po mam, kapag ako po ang
gumamit sinosoli ko naman ah!
TITSER: Ano ang PAST TENSE sa LABA?
BOY#1: Naglaba mam!
TITSER: Tama! Ano ang PRESENT TENSE?
BOY#2: Naglalaba!
TITSER: Tama! Ano naman ang FUTURE
TENSE?
BOY#3: MAGSASAMPAY mam!


