Ang buhay parang Sine… Ang Sine parang buhay Abril 8, 2007
Posted by Dakilang Pasaway in Pinoy 101.1 comment so far
Ang buhay parang Sine, minsan alam mo na agad ang susunod na manyayari sa mga tagpo ng buhay. Ang sine parang buhay, karamihan satin sa sobrang kapapanood ng mga ibat ibang mga pelikula, tele novela na umabot na nga sa Mexican novela, Chino novela, Korean novela at sangkatutak pang mga novela minsan hinde na natin naaapriciate ang novela natin ang mga tele-seryeng gawa dito satin.
Sa bagay sa mga tele serye na napanood ko. San ka nman makakakita ng kontrabidang hinde mamataymatay?.Nasunog, nalunod, nasabugan, nabaril at nabangga ang sinasakyan eh buhay p din? ahahah grabee talaga. Kaya siguro talagang nakikita natin kung bakit natutuwa sa nobela ng iba.
Napansin ko din, hindi rin naman masama ang matuwa sa mga novela ng mga iba, dahil sa simple intindihin ang kwento nila, hindi ganun ka kumplekado ang mga problema nila. Si Dao Ming Si (tama ba?) problema lang nya eh, mayaman sya at gusto nya si San chai. At gusto ni San Chai tumakbo sa kalsada habang sumisigaw ng pangalan ng “Dao Min Si”. Oh, wag mo sabihin hindi ka nabaliw sa mga character na yan. Kung nde ka bumili ng mga pirated Cds, malamang 2 beses mo pinanood yan o mas higit pa.
Sino pa ba ang mga talaga namang kinilala at minahal nang mga pinoy? Teka, subukan ko nga maglagay ng listahan na naalala ko.
- Marimar– Babaeng mahirap na may alagang asong nagsasalita. Partner nya si Sergio, yung parang may carpet sa dibdib. Lumabas din ang mga iba pa nyang tele novela.
- Betty La Fea – Panget na babae na na nainlove sa Boss nya, tapus nag make over, tapus gumanda sya, syempre na-inlove sa kanya yung Boss nya. Ibat ibang version na ang lumabas pati US ginawa na ding ” Ugly betty”.
- Chabbelita – Batang mataba, lumaki sa ampunan. Hindi ko masyadu matandaan ang kwento nito eh, basta alam ko na isang magaling na singer sa totoong buhay sya sa Opera. Charlotte yung pangalan nya, partner sya ni Josh Groban sa kantang “The prayer”.
- F4 (Flower 4) – Apat na mayayamang magkakabarkada na mga lalake na merong kanya kanyang part ang kwento ng buhay. Ang Meteor Garden na talaga namang kinabaliwan ng mga pinoy. Mga ilang beses pinagkakitaan at pinag ulit- ulit ipinalabas sa tv.
- Cholo at Jody -Stairway to heaven, sobrang pagmamahal nang dalawang tao hanggang kamatayan. Nabulag si Jody. Hindi masyadu matandaan eh ehehe. Pasenxa na!
- Jessie & Justin – Full House. Isa sa mga kinabaliwan ko. Isang actor (Justin) na nainlove sa pangkaraniwang babae (Jenny) na may ari nang bahay. Sobrang nakakatawa ang away at bati nila. Naalala nyo ba ang kantang ” 3 little Bears? “
- Jang Yeoung – (ganyan ba ahahah). Ulilang bata, inampon ng mag-asawa, naging taga-silbi ng Hari. Naging dakilang cook ng Hari, na nagkagusto kay Kapita. Ang cook na naging nurse at naging unang babaeng Doktor.
- Gokusen -Teacher ng section 3D. Section ng mga magugulo at mga patapon na studyante. Si Yang kumi, ang taga-pagmana ng susunod na generation ng isang malaking gang. Sya rin yung kilalang si Sadako sa Japanese Horror film.
- Jumong – prince sya. Sorry hindi ako masyadu nanonood ng mga laban eh. Peace Pare!!
- Attic Cat – nde ko rin napanood. Alam ko lang nag pakamatay yung bida dito in real life ha. hmm Rest in Peace!
Ikaw anu ba ang kinabaliwan mong tele novela?


