Kamote’s back Abril 24, 2007
Posted by Dakilang Pasaway in Gising Pinoy, Kamote Adventure, Pinoy 101.1 comment so far
“Hay nako , buti nman at nakauwi rin ako sa inggay at usok !”.
Masasabi ko lang bakit kaya KAYA nila tayu hinde.
Hmm maganda pala talaga pag disiplinado ang mga tao.
Dito palang ako sa airport natin, medyo nakakainis na. Sigurado ako hinde lang ako ang naka-experience ng mga gantong mga bagay bagay. Alam nyo ba yung metal detector? hmm dahil nga ako ay may pagkamote, nakalimutan ko yung aking napakagandang cellphone na kahit magnanakaw at hindi kukunin at baka maawa pa.
Ang nanyari tumunog! huwaw alert sila. Pinabalik ako para pumasok ulit. Ang nakakagulat dun ay pinalagay yung cellphone ko sa xray at nung nagtatanung ako kung baka naman meron silang lalagyan dahil baka masira yung cellphone ko. Kahit naman ganun yun, aba nakakapagtext parin yun ha.
“Ikaw, pang ilang beses mo na pumasok?! ” sabi nung babae na nag iinspection na nakatayo. Syempre sinabi ko “2nd time palang ho dahil nga may tumunog!”. Padabog nyan hinila yung cellphone ko at nilagay na sa xray. Wala na akong magawa kundi maghintay sa kabilang dulo at kamustahin ang nanyari sa cellphone ko. Medyo 5mins na kong naghihintay ng napansin ko na nalaglag na pala sa ilalim yung phone ko. Oo sa ilalim nung machine, Haaay nalaglag sya dahil nga wlang lagayan man lang, etu yung metal detector dun sa unang pagpasok mo pa lang ng pinto. Kaawa-awang cellphone. Sana lang ay umabot sya sa pagbalik namin dito sa pinas.
Dahil nga excited ako, hindi nako masyadung nagreklamo. Naisip ko na lang ako aalis at sya ay nandito padin mag susungit ng magsusungit hangang pagbalik ko.
Alam nyo ba, na maliit lang pala talaga ang bansang Singapore? hmm mga buong Quezon City lang halos or mas malaki pa ang “kyusi”. Pero bakit ang mga pinoy doon ay marunong at alam ang salitang DISIPLINA!.
Bakit kaya yung mga dito sa pinas ay para atang nakalimutan na ang salitang yun. Anu kaya ang problema?
Nakakatuwang isipin dahil kahit na maliit lang ang bansang Singapore ay sumusunod ang mga tao nila dito. Naiintindihan nila ang salitang DISIPLINA.
Aba, pag dating ko pa lang sa Airport, halos parang kawawalis lang at kakalinis lang nila. Walang basura sa paligid. Akalain mo yun?, sa napakasimpleng bagay natutuwa nako. Hindi lang kasi siguro ako sanay ng maayus at malinis na paligid (lalo na yung pampubliko). Walang panghi kang maamoy at mga kalat sa paligid.
Masaya namn sa tingin ko ang nakita ko dun, kahit na nakakalungkot isipin na ang DISIPLINA pala ay nababago pag nsa ibang bansa ang pinoy at natutununan nilang magpakumbaba. Sana lang gawin muna natin dito. Simulan natin dito bago tayu lumayo.
Nakakawalang gana, sa susunod na lang ako magkukwento anu ang mga pinaggagawa ko.


