Tingin ko lang!! Abril 26, 2007
Posted by Dakilang Pasaway in Kamote Adventure, Pinoy 101.add a comment
“Wow maypart 2 ahahaha!”
Pasenxa na kayo dinamdam ko talaga yung nanyari sa airport! nyahahaa joke. Tinamad kasi ako mag isip kung ano magandang ilagay dito eh.. parang nalungkot ako sa nakit ako.
Sa isang maliit na bansa, hindi mo maiialis sakin na magtanung kung bakit KAYA nila gawin tapus tayu na marami ang nakapag aral at nakatungtong sa elementarya, na tingin sa sarili at may agimat ang dugo (nyahaha) ay hindi natin kayang gumawa ng bagay para makatulong sa bansa natin, kahit man lang sa maliit n paraan.
Sa napaka simpleng gawain na wag magtapon ng basura (dito!) nde natin magawa. bawal umihi dito. bawal pumitas ng bulaklak (ahahah meron p bang ganyan?) at ang wlang kamatayang bawal tumawid. nako wlang patawad ang mga pinoy. Sa EDSA nung una kong nakita yang Bawal na salitang yan ay natawa ako kasi naman pag basa mo parang mamatay ka na agad eh. ” BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY” tipong pag humakbang ka mamatay ka na agad ehehe, pero bakit wala pa ring sumusunod? at marami paring insidente na nasasagasaan sa kalye. Sa dinami dami ng mga pinagkagastusang mga street sign, mga kinurakot na mga bakal at sa mga pinasweldo sa mga taong pinangkabit sa mga yan. ayun nasayang lang, tapus pag nahuli hahanap at hahanap ng mga palusot.
Sa simpleng traffic light, yang ang pinaka magandang halimbawa. bakit kelangan ng pulis kung tayu ay marunong sumunod dyan?
Sa tingin ko, ( ito’y opinion lang nman ng isang kamoteng tulad ko) kung ang mga pinoy ay matututong sumunod sa mga traffic lights:
1) siguradong nde na kelangan ng mga pulis na nagbabantay sa mga kalsada. Mas marami pang pedeng gawin ng pulis, maari na silang mang huli ng masasamang tao o magbantay ng seguridad ng mga mamamayan kesa sa naka tambay mag hapon sa kanilang istasyon. At mangotong!! at mag imbento ng kung anu anong violation ahahaha!
2) Mabilis ang traffic dahil wlang tatawid tawid dahil siguradong yung mga tao sa pedestrian ay nde na tatawid basta basta. Magkano ang pintura na ginastos dyan para maging proyekto ng isang Congressman, Mayor o Brgy. Captain sa lugar nyo, na wlang ibang maisip kundi mag lagay ng pedestrian lane na hindi nman ginagamit ng mga tao? hmm milyong project na sana ay nagamit sa ibang matinong project.
3) Kung sakaling maayus na tayo sa pagsunod sa mga traffic lights ay iiwasan na mag-istasyon ng pulis sa kada kanto para mangotong. hmmm maganda yun! yang ang isa sa mga dahilan bakit sila nakakaisip mangotong, dahil sa maghapong nakatunganga at nakakakita ng mga pasaway na hindi sumusunod sa batas. Nakikita nila na ayaw nating mag-paabala basta basta kya kunwari ay titiketan ka nila para magbigay ka ng kotong. Kya ang magandang pang iinis n naisip nila at ABALAHIN tayu!
4) Hindi na magpapatayo ng mga overpass na sobrang weird sa layo ng main na daanan ng tao. Panibagong proyekto na nman ni Mayor o Congressman. SOWS!
5) Mababawasan na ang pagpapalagay ng mga traffic lights sa mga lugar na halos kada isang kanto ay may traffic light. wow galing mo mayor!! tapus after ilang taon ay aayusin ang panobagong route na nde na gagamitin uli ang mamahaling traffic light!
6) Magiging maayus ang daloy ng taffic para sa mga motorista. Maiiwasan ang mga away sa kalsada na isa paring paraan para makadagdag sa traffic. Isipin mo ang isang sasakyan na magkabanggaan sa isang lane sa EDSA siguradong traffic yun! at kung ikaw ay naka taxi o naka bus patay ka sa metro ngtaxi siguradong may dagdag pa at sa bus siguradong kelangan mo na magpadeliver ng pagkain dahil tatagal yan!
7) Magiging interesado ang mga pinoy sa salitang pag hintay. Hinde lang nila lam ganu kadali ang maghintay ng signal para tumawid kesa ang mahagip ng malaking sasakyan. Masakit ata ang maoperahan ng dahil sa nasagasaaan ka. mas maraming buhay ang maliligtas. Ang hospital bill hala!! goodluck!
8) Mababawasan ang pag iisip ng mga pulitiko na mag isip ng mga project sa katulad ng mga nasabi kanina para lang may masabi na may nailagay silang proyekto. wow puno na naman ang bulsa ng mga pulitiko!
9) Mas maganda kung lahat tayu ay may konting ipagmamalaki sa ibang bansa kahit man lang sa pagsunod pag dating sa traffic flow! . Ang alam lang nila lasi sa pinas ay may pinaka malubha ang traffic.
10) Marami pang iba kaso inaantok na ko eh para mapag patuloy ko pa ito ehehehe =P


