jump to navigation

Beep Beep !!! Sakay Na!! Abril 29, 2007

Posted by Dakilang Pasaway in Mahiwagang Kamote, NoyPi, Pinoy 101.
add a comment

HAy Sobra!! Pag naiinip ako at ako lang mag-isa madaming bagay ang naglalaro saking isipan. Nde naman ako bastos. nde yung iniisip nyo. Pero ang pinaka the best ay mga eksena na kahit minsan ako lang mag isa ay natatawa ako, ang bagay na yun ay ang EKSENA sa JEEP!!! nakaranas ka na ba ng ibat ibang kwento ng dahil sa pagsakay lang sa ating pambansang transpo?


jeepney

Ang pinaka nakakatawang eksena sa jeep na talaga nmang nakakapagpatawa sakin ay yung:

PAG MAY NATUTULOG SA JEEP.

ahahaha!! panalo talaga ang kwentong toh. Sari saring kwento, pero ROCK!!

jeep11.jpg

Situation#1. Pag ang nasa tabi mo ay tulog. Tapus babagsak na yung ulo. Nyahahaha pag ikaw ay katabi ng taong tulog sa Jeep pati ikaw napapagalaw pag sa direksyon mo babagsak ang ulo ng katabi. Inaantay mo at pinapakiramdamang wag ka sana mabagsakan. Eehehehehe minsan nakakainis. minsan nakakatawa. minsan parang ikaw ang pinakamalas na tao. Sa dinami dami ng jeep bat ka pa dun nakapara.

Situation#2 Pag ang nasa harapan mo ay tulog. Siguradong yung iwas style mo ay makikita mo na ginagawa ng nasa harapan mo!

Situation#3 Pag may tumawa. Alam mo ba yung akala mo ikaw lang ang natatawa, tapus nagpipigil lang pala yung mga taong katabi mo na nde matawa dahil baka magising yung taong tulog! nyahaha “sana lang po wag nyo ko ngitian kasi mahirap para sakin pumigil ng tawa!”. Minsan nga pinipigil ko na yung sarili ko na wag tumawa tapos napatingin ako dun sa nasa harap ko, tapus ba nman tumawa!

ahihihi! ayun nde ko napigilan ang aking sarili na matawa. Nanginginig na yung balikat ko sa pag pigil, pero ayun kasalanan ko nailabas ko yung tawa ko. Habang yung katabi ko pala ay nag iintay din na may unang tumawa. napansin namin nung oras na yun na nagtatawanan na pala kaming lahat of cors maliban dun sa natutulog.

Situation#3. Habang nagtatawanan kayo, e nagising yung taong pinagtatawanan nyo! nyahahah patay tayu dyan. Napaptingin kayo sa bintana at nagcoconcentrate na wag tumawa. Mapapansin mo lahat ng kasama mo ay nagdededma din na parang walang nanyari. Tapus pag baba ng pinagtatawanan nyo ay pag uusapan nyo at may mag rere-enact kung panu babagsak at pag iwas nung katabi nya! the best yan kasi parang ayaw nyo pang bumaba ng jeep at parang naaliw na kayo sa isa’t isang makipag kwentuhan sa mga tao sa oras na yun.

PAG MAY BANGAAN

jeep21.jpg

Situation #1. Pag kayo ay nasa tamang oras at tamang lugar na naka saksi ng bangaan! SWERTE KA!! ikaw ang bida pag isa ka sa nakasaksi ng panyayari. Hanggang magtatanung na ang mga katabi mo sa nanyari! At magsisimulang magbibigay na ng mga opinion ang mga katabi mo sa pangyayari at maninisi.

“yung kotse talaga may kasalanan eh”

“Pambihirang jeep yan, dapat kasi pinadaan na nya yung isa eh!”

Read more.. Beep Beep !!! Sakay Na!!

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula